Mga problema at solusyon
From LimeSurvey Manual
Excel
Pagbabago ng mga tugon sa Excel bago ang Import
Upang makagawa ng maraming pagbabago sa iyong dokumento ng mga tugon, maaari mong i-export at buksan ang file sa Excel. Baguhin ang data (maliban sa unang dalawang linya!) at pagkatapos ay i-save ang dokumento bilang .txt file. Kung i-save mo ito bilang .csv, gumagamit ang Excel ng comma-delimited bilang default na hindi na maaaring i-import pabalik sa LimeSurvey. Sa pag-save nito bilang .txt file, sine-save ng Excel ang na-edit na dokumento bilang tab-delimited na file na maaaring i-import pabalik sa LimeSurvey.
I-edit ang .csv gamit ang Excel
Sa pangkalahatan, hindi namin inirerekomendang gamitin ang Excel sa pag-edit ng mga na-export na .csv file dahil gumagawa ang Excel ng mga pagbabago sa panloob na istruktura ng data ng csv file na nagreresulta sa ppagkabigo ng import. Kung nais mo pa ring gamitin ang Excel, kailangan mong itakda ang separator ng Excel sa comma sa System Control (mga Windows system).
Kung hindi mo alam kung paano ito gawin ngunit na-edit mo na ang iyong dokumento at na-save ito bilang .csv, subukan ang solusyong iminumungkahi dito.
Excel - limitado ang export sa 255 column
Dahil sa mga limitasyon ng Excel (mga bersyon 2003 pababa), 255 column lamang ang maaaring i-export ng LimeSurvey nang sabay-sabay. Nagmungkahi ang Microsoft ng solusyon gamit ang VB macro.
Bagama't kayang magpakita ng mga mas bagong spreadsheet (Excel >= 2007, OpenOffice) ng higit sa 255 column, hindi pa rin kayang mag-export ng panloob na module na ginagamit ng LimeSurvey ng higit sa 255 column.
May dalawang posibleng solusyon:
- I-export sa CSV at i-import ang file sa iyong spreadsheet software
- Gumamit ng maraming export (pumili ng hindi hihigit sa 250 column sa bawat export), pagkatapos ay pagsamahin ang mga na-export na resulta
Excel/.csv - pumapalya ang export
Kung hindi mo ma-export ang iyong data sa Excel o sa .csv file, subukang i-clear ang cache at cookies ng iyong browser.
CSV
Default ng CSV ang 255 column
Kapag nag-e-export ng malalaking survey, nililimitahan ng LimeSurvey ang export sa unang 255 column bilang default. Upang malutas ito, markahan lamang ang lahat ng data set para sa export.
SPSS export
Mga posibleng mensahe ng error sa SPSS
ERROR. command name:Get Data
Kung makatanggap ka ng mensahe ng error na ERROR. command name:Get Data. 2267 Unexpected Token missing., paki-edit ang ikaapat na linya ng iyong syntax file upang ituro ito sa absolute path ng data file, tulad ng
Error: "Text value unmappable in the current server locale"
Maaaring mangyari ang error na ito kung susubukan mong buksan sa SPSS 16 ang na-export na syntax file. Ang solusyon ay pilitin ang SPSS na basahin ang syntax file bilang unicode.
Iba pang mga problema at solusyon
Pagkopya ng mga tugon sa ibang survey (gamit ang mga token)
- Gumawa ng bagong survey, magdagdag ng dummy na tugon, i-export ang file ng tugon, at buksan sa Excel. Gagawa ito ng format para sa bagong import file.
- I-export ang mga tugon mula sa lumang survey, kasama ang mga token, at buksan sa Excel.
- Gamitin ang data na ito upang gumawa ng Excel worksheet para sa karaniwang pag-import ng token file (hal. Firstname, Lastname, Token, Email address, Status ng email (OK), Wika (En)). I-save bilang .csv at i-import ang mga token sa bagong survey sa LimeSurvey.
- Sa Excel, kopyahin ang mga field ng tugon mula sa mga tugon ng lumang survey na nais mo sa bagong survey (kasama ang token) sa angkop na column ng Excel ng format ng bagong survey.
- I-save bilang .txt file.
- Gamitin ang VVImport upang i-import ang bagong data sa bagong survey.
- Kabilang sa mga posibleng error sa import ang format ng petsa - may mga system date field na hindi tumatanggap ng NULL na halaga, at may mga tumatanggap. Kung mukhang maayos ang petsa ngunit nagbibigay pa rin ng error, gamitin ang format ng cell sa Excel na "2009-12-01".