Menu ng plugin
From LimeSurvey Manual
Panimula
Ang sumusunod na panel ay nagbibigay-daan sa inyong ma-access ang mga setting ng mga aktibong plugin ng LimeSurvey (matatagpuan ang mga ito sa Plugin manager).
Upang ma-access ang lokal na panel ng plugin, i-click ang tab na Mga setting at mag-scroll pababa hanggang makita ninyo ang menu na Mga Plugin:

I-click ang button na Mga simpleng plugin. Ipapakita ang isang pahina na naglalaman ng lahat ng aktibong plugin na nagpapahintulot sa mga administrator ng survey na pumili ng ilang setting na may kaugnayan sa plugin:

Sa screenshot sa itaas, aktibo ang plugin na "AuditLog" at tinatanong nito ang administrator ng survey kung dapat bang i-audit ang mga log ng survey o hindi.
Iba pang impormasyong may kaugnayan sa plugin
Listahan ng mga core plugin ng LimeSurvey
I-click dito upang makita ang lahat ng plugin na default na matatagpuan sa inyong LimeSurvey instance.
Maaari silang i-activate at i-configure mula sa Plugin manager. Kinakailangan ang ilang pahintulot ng user upang i-activate at i-configure ang mga ito.
Listahan ng mga Third-Party na Plugin
Makikita dito ang maikling listahan ng mga third-party na plugin na magagamit sa ilang release ng LimeSurvey.