Konpigurasyon ng menu
From LimeSurvey Manual
Pangkalahatan
Para gumawa ng bagong menu o magdagdag ng mga bagong entry sa dati nang menu: Configuration -> Mga Setting -> Konpigurasyon ng menu

Maaari mong baguhin ang mga umiiral na menu ng survey o gumawa ng espesyal na menu ng survey para sa ilang mga pangkat ng user. Maaari ka ring magdagdag ng bagong mga entry sa menu o i-edit ang mga umiiral na.
Menu ng survey
Ang panel ng Konpigurasyon ng menu ay may talahanayan na naglalaman ng lahat ng umiiral na menu ng survey.

Apat na aksyon ang magagamit:
Para gumawa ng bagong menu, pindutin ang berdeng button (+ New) na matatagpuan sa itaas na kaliwang bahagi ng window. Ipapakita ang sumusunod na window:

Magagamit ang isang grupo ng mga opsyon:
- Parent: Gamitin ang opsyong ito para piliin ang parent menu ng isa pang menu ng survey. Sa ganitong paraan, ipapakita ang isang menu ng survey sa loob ng ibang menu kapag na-click. Halimbawa, ang plugin menu ay isang menu ng survey na may mainmenu bilang parent menu, at ipinapakita sa ibaba nito dahil sa order nito.
- Sarbey: Maaari mong piliin ang survey kung saan magiging available ang menu. Awtomatiko itong nakatakda sa Lahat ng survey;
- Ordering: Kung gumagamit ka ng higit pang mga menu na may parehong posisyon, makakatulong ang pag-aayos ng pagkakasunod-sunod para mas maayos mo silang mapamahalaan.
- Pamagat: Ang pamagat ng menu;
- Paglalarawan: Maaaring magdagdag ng maikling buod ng mga entry na idaragdag sa menu na iyon - kapaki-pakinabang para sa iba pang administrator ng LimeSurvey na gustong baguhin sa hinaharap ang konpigurasyon ng mga menu ng survey;
- Posisyon: Apat na posisyon ang magagamit:
- Sidemenu : Ang menu ay matatagpuan sa kaliwang bahagi ng window;
- Na-collapse na menu : Ang na-collapse na menu ay magpapakita lamang ng mga icon ng mga entry sa menu ng survey;
- Top bar : Ang menu ay nasa isang bar na matatagpuan sa itaas na bahagi ng window;
- Bottom bar : Ang menu ay nasa isang bar na matatagpuan sa ibabang bahagi ng window.
Para baguhin ang mga detalye ng isang umiiral nang menu, i-click ang berdeng button na matatagpuan sa column na Aksyon.

Para tanggalin ang isang menu, i-click ang pulang trash button na tumutugma sa menu na iyon (matatagpuan sa column na Aksyon). Kung ki-click mo ang Delete now, tatanggalin din ang lahat ng entry sa menu ng menu na iyon.
I-reset sa mga default na value
Kung in-edit mo ang mga default na menu at gusto mong ibalik ang mga pagbabago, i-click ang button na I-reset na matatagpuan sa itaas na kanang bahagi ng window. Pagkatapos itong i-click, hihilingin sa iyong kumpirmahin ang aksyon. Tandaan na mawawala ang lahat ng custom na menu kung magpapatuloy ka.

Mga halimbawa
Tingnan ang mga sumusunod na halimbawa para mas maunawaan kung paano mo mai-e-edit ang mga menu ng survey.
Ang default na side menu (matatagpuan sa ilalim ng tab ng mga setting ng survey) ay:

Para baguhin ito, buksan ang panel ng konpigurasyon ng menu. I-edit ang main menu at baguhin ang posisyon nito mula sa side menu patungong na-collapse na menu, at ang posisyon ng Mabilisang menu mula sa na-collapse patungong side menu.
Kapag nagawa na ang mga pagbabago, ang side menu ng survey (ang mga opsyong ipinapakita sa ilalim ng tab ng mga setting) ay magiging ganito:

Ipagpalagay nating nais mong magdagdag ng bagong (sub)menu upang madaling ma-access mula sa tab ng mga setting ang mga opsyon para sa listahan ng mga tanong at mga pangkat ng tanong. Para magawa iyon, kailangan mong gumawa ng opsyon sa menu:
Nais naming ipakita ito sa harap ng Plugin menu, kaya pinipili namin ang "Menu ng survey" bilang parent menu, ang order na "2" upang maipakita ito bago ang plugin menu, at ang posisyon na "sidemenu" (katulad ng posisyon ng parent menu).
Ngayon, walang laman ang menu. Kailangan nating magdagdag ng mga entry sa menu na bagong gawa. Para magawa iyon, kailangan nating buksan ang panel ng mga entry sa menu at idagdag ang dalawang link na tumutugma sa "listahan ng mga tanong" at "Mga pangkat ng tanong sa listahan":
- Listahan ng mga tanong
- Mga pangkat ng tanong sa listahan
Para magawa iyon, kailangan mong i-configure ang mga entry sa menu ng LimeSurvey. Pakipagpatuloy sa pagbabasa ng sumusunod na seksyon ng wiki.