Napakahalaga para sa amin ng seguridad. Inii-store ang datos ng iyong survey/tugon sa hiwalay na database na may hiwalay na username/password para sa bawat instance sa LimeSurvey Cloud. Ine-encrypt din sa pamamagitan ng SSL ang koneksyon ng iyong browser sa aming mga server.
Bilang default, hindi ine-encrypt ang datos na nasa LimeSurvey dahil regular itong ina-access ng LimeSurvey application (ina-access o ginagamit ito). Gayunpaman, puwede mong itakda ang mga tugon sa mga partikular na uri ng tanong na palaging ma-encrypt kapag hindi ina-access o ginagamit. Bukod pa rito, para sa datos ng kalahok, puwede kang pumili ng mga partikular na field na dapat palaging i-encrypt.
Maliban pa rito, gumagawa kami ng mga backup ng iyong datos sa LimeSurvey kada araw. Hindi ina-access o ginagamit ang datos na iyon at naka-encrypt iyon, at ligtas iyong naka-store sa ibang drive pero nasa iisang lokasyon sa pagho-host.