Mga Diskuwento sa LimeSurvey
Uri | Porsyento |
---|---|
Mga Guro | 30% |
Mga Estudyante | 50% |
Mga Nonprofit | 30% |
Dapat sumang-ayon ang mga guro at estudyante na gagamitin lang nila ang LimeSurvey para sa gawaing nauugnay sa klase.
Madali lang mag-apply para makakuha ng diskuwento. Ilang hakbang lang ang kailangang gawin.
Hakbang 1: Mag-sign up para sa libreng LimeSurvey account.
Hakbang 2: Pagkatapos mong mag-sign up:
- Para sa mga guro:
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. ang iyong username at na-scan na kopya ng likod at harap ng iyong valid na ID bilang guro. - Para sa mga estudyante:
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. ang iyong username at na-scan na kopya ng likod at harap ng iyong valid na ID bilang estudyante. - Para sa mga nonprofit:
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. ang inyong username at katibayan ng inyong katayuan bilang nonprofit o katibayan ng inyong ginagawa bilang nonprofit (website, polyeto, o katulad).
Ilalapat namin ang diskuwento kapag na-verify na ang mga dokumento.
Hakbang 3: Magpapadala kami sa iyo ng email ng kumpirmasyon kapag nalapat na namin ang diskuwento.
Hakbang 4: Puwede ka na ngayong mag-order at awtomatikong malalapat ang diskuwento. Kung hindi iyon mailapat, huwag mag-order at sa halip ay makipag-ugnayan sa amin. Hindi malalapat sa dati nang order ang mga diskuwento!
Tandaan: Nauugnay ang mga diskuwento sa entity na nag-apply para sa diskuwento. Halimbawa, hindi puwedeng mag-apply para sa diskuwento ng estudyante pagkatapos ay gumamit ng address sa pag-invoice ng kompanya kapag nag-order.
May karapatan ang LimeSurvey na hindi magbigay ng diskuwento o wakasan/bawiin ang diskuwento kung mapagpasyahan nito dahil sa pinaghihinalaang pang-aabuso.