Tagalog
TL

Libreng survey at questionnaire para sa customer
Alamin ang iniisip ng iyong mga customer.

Madaliang gumawa ng mga propesyonal na survey at questionnaire para sa customer gamit ang LimeSurvey.

Ginagawa para sa mga customer ang mga brand at produkto. Priyoridad sa ginagawa mo ang kanilang mga pangangailangan, problema, at sensitivity para sa magandang ugnayan. LimeSurvey ang pinakamainam na kompanya ng customer service para sa mga customer questionnaire, customer votes, customer poll, o mga mabilis, madali, at anonymous na survey para sa customer na puwede mong ibahagi sa publiko nang may sarili mong disenyo ng korporasyon.

Integration sa sarili mong website

I-integrate ang aming mga simpleng tool ng survey—mga survey at questionnaire para sa customer, survey tungkol sa kasiyahan ng customer, at survey tungkol sa serbisyo sa customer—sa sarili mong website para magawa ng mga bisita na direktang makibahagi habang nagba-browse.

Gumamit ng sarili mong domain

Gamitin ang sarili mong domain para sa iyong mga online na survey para sa customer. Pagkakatiwalaan ka at mas maraming tao ang papayag na makibahagi sa mga survey tungkol sa karanasan at loyalty ng customer at magbigay sa iyo ng feedback tungkol sa serbisyo sa customer. Kung kailangan mo ng tulong, makipag-ugnayan lang sa aming customer service team.

Indibidwal na disenyo

Madaliang i-integrate ang pamilyar na logo ng korporasyon mo sa survey para sa customer gamit ang mga naiaangkop na tema para makilala kaagad ng mga kalahok ang iyong kompanya.

Form para sa pagpaparehistro

Gumawa ng sarili mong partikular na panel sa pamamagitan ng paunang pagpaparehistro. Iniiwasan nitong ang paulit-ulit na pagtugon habang pinapanatiling nakikipag-ugnayan sa mga kalahok ng survey.

Simpleng pangangasiwa ng file

Gumawa ng survey na may iba't ibang media, gaya ng mga larawan, video, at audio. Bigyang-daan ang mga customer na mag-upload ng anumang file na gusto nila gamit ang praktikal na file manager.

Mga Poll

Gumawa ng maiikli at hindi pormal na survey o poll at i-integrate ang mga iyon sa website mo para mas mabilis mong makilala nang mas mabuti ang iyong mga customer at ang mga bumibisita sa iyong website.

Gumawa ng mga survey tungkol sa buhay nang madalian

Pinakapriyoridad mo ang pakikisalamuha sa mga customer.
Sa LimeSurvey, magagawa mong regular na makipag-ugnayan sa iyong mga customer sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga direktang survey sa sarili mong website. Sa ganitong paraan, makakakuha ka ng impormasyon tungkol sa kasiyahan ng customer, makakapangolekta ka ng mahalagang feedback, at matutukoy mo kung ano ang mga kailangang ayusin.

Makakapagbigay ka ng mga makabuluhang tanong para sa bawat kalahok gamit ang magagandang mekanismo sa logic. Available ang lahat ng ito nang may 28 uri ng tanong sa mahigit 80 wika. Puwede mong imbitahan ang iyong mga customer na makibahagi sa online na survey mo at padalhan sila ng mga paalala mula mismo sa application sa pamamagitan ng aming komprehensibong solusyon.

Makukuha mo
ang hihingin mo.
Bilang ng user
Magsalin sa mahigit 40 wika

Mga madalas itanong

Napakahalaga para sa amin ng seguridad. Inii-store ang datos ng iyong survey/tugon sa hiwalay na database na may hiwalay na username/password para sa bawat instance sa LimeSurvey Cloud. Ine-encrypt din sa pamamagitan ng SSL ang koneksyon ng iyong browser sa aming mga server.

Bilang default, hindi ine-encrypt ang datos na nasa LimeSurvey dahil regular itong ina-access ng LimeSurvey application <(span style="text-decoration: underline;">ina-access o ginagamit ito). Gayunpaman, puwede mong itakda ang mga tugon sa mga partikular na uri ng tanong na palaging ma-encrypt kapag hindi ina-access o ginagamit. Bukod pa rito, para sa datos ng kalahok, puwede kang pumili ng mga partikular na field na dapat palaging i-encrypt.

Maliban pa rito, gumagawa kami ng mga backup ng iyong datos sa LimeSurvey kada araw. Hindi ina-access o ginagamit ang datos na iyon at naka-encrypt iyon, at ligtas iyong naka-store sa ibang drive pero nasa iisang lokasyon sa pagho-host.

Kung ginagamit mo ang pagho-host ng LimeSurvey Cloud:

Kapag gumawa ka ng instance sa LimeSurvey Cloud, hihingin sa iyo ang lokasyon ng server kung saan namin iho-host ang iyong datos. Inaalok namin sa kasalukuyan ang mga sumusunod na lokasyon para sa pagho-host:

  • Germany (inirerekomenda para sa mga customer sa EU)
  • Finland (inirerekomenda para sa mga customer sa EU)
  • United Kingdom
  • USA
  • Canada
  • Australia

Pagkatapos pumili ng lokasyon, iii-store lang namin ang iyong datos sa server sa bansang iyon.

Kung ginagamit mo ang aming LimeSurvey Community Edition:

Sa ganitong sitwasyon, naka-store ang lahat ng datos mo sa server mo o ng iyong provider (karaniwang kung saan mo na-install ang LimeSurvey).

Mga Diskuwento sa LimeSurvey

UriPorsyento
Mga Guro 30%
Mga Estudyante 50%
Mga Nonprofit 30%

Dapat sumang-ayon ang mga guro at estudyante na gagamitin lang nila ang LimeSurvey para sa gawaing nauugnay sa klase.

Madali lang mag-apply para makakuha ng diskuwento. Ilang hakbang lang ang kailangang gawin.

Hakbang 1: Mag-sign up para sa libreng LimeSurvey account.

Hakbang 2: Pagkatapos mong mag-sign up:

  • Para sa mga guro: I-email sa amin ang iyong username at na-scan na kopya ng likod at harap ng iyong valid na ID bilang guro.
  • Para sa mga estudyante: I-email sa amin ang iyong username at na-scan na kopya ng likod at harap ng iyong valid na ID bilang estudyante.
  • Para sa mga nonprofit: I-email sa amin ang inyong username at katibayan ng inyong katayuan bilang nonprofit o katibayan ng inyong ginagawa bilang nonprofit (website, polyeto, o katulad).

Ilalapat namin ang diskuwento kapag na-verify na ang mga dokumento.

Hakbang 3: Magpapadala kami sa iyo ng email ng kumpirmasyon kapag nalapat na namin ang diskuwento.

Hakbang 4: Puwede ka na ngayong mag-order at awtomatikong malalapat ang diskuwento. Kung hindi iyon mailapat, huwag mag-order at sa halip ay makipag-ugnayan sa amin. Hindi malalapat sa dati nang order ang mga diskuwento!

Tandaan: Nauugnay ang mga diskuwento sa entity na nag-apply para sa diskuwento. Halimbawa, hindi puwedeng mag-apply para sa diskuwento ng estudyante pagkatapos ay gumamit ng address sa pag-invoice ng kompanya kapag nag-order.
May karapatan ang LimeSurvey na hindi magbigay ng diskuwento o wakasan/bawiin ang diskuwento kung mapagpasyahan nito dahil sa pinaghihinalaang pang-aabuso.

Kung kakanselahin mo ang iyong subscription, maa-access mo pa rin ang lahat ng feature ng iyong plan sa loob ng panahong nabayaran mo na (ganito rin ang nalalapat sa LimeSurvey ComfortUpdate at LimeSurvey Cloud). Kung gumagamit ka ng LimeSurvey Cloud at nag-expire na ang subscription, babalik ka sa Libreng package. Maa-access mo pa rin ang lahat ng nakolektang tugon at magagamit mo pa rin ang lahat ng feature ng Libreng bersyon.

Ang sinasabi ng aming mga user

Handa ka na bang tumuklas pa?

Ang tip namin: Magsimula na nang libre! Mabilis mong mabubuo ang unang survey mo.

Korporasyon? Magtulungan tayo!

Sabihin sa amin ang gusto mo at ibibigay namin sa iyo ang kailangan mo.

  • Custom na bilang ng tugon/taon
  • Custom na storage sa pag-upload
  • Corporate support
  • Custom na bilang ng alias domain
  • Nakalaang server
  • Marami pang iba…